Part 11 - "The Holy Catholic Church, the Communion of Saints"

Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 54 views
Notes
Transcript
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
View more →

Balik Tayo sa Church

May mga dati tayong kasama sa church na hanggang ngayon, simula magpandemic, ay hindi pa rin natin nakakasama ulit ngayon. Ang iba, lumipat na raw ng church. Ang iba, sa online lang daw sila. Ang iba, ginagawang dahilan ang Covid. Pero ang totoo, nagpapakita ito ng liit ng pagpapahalaga sa church ng ilang mga nagsasabing Cristiano sila. Hindi naman talaga Covid ang pinaka-problema. Ineexpose lang nito kung ano ang pinaniniwalaan ng mga tao ngayon tungkol sa church. Pwede pa lang online lang kahit hindi na makipagkita sa iba? Pwede pa lang madalas absent? Pwede pa lang hindi maging committed member? Essential ba talaga ang church sa buhay Cristiano, o optional lang? Kaya bawat member binigyan natin ng book na Balik Tayo sa Church. Totoo kaya yung sinabi ni Collin Hansen sa intro ng book na ‘to na, “Malaking problema sa isang Cristiano kapag wala siyang church”?
Okay, maaaring hindi ka naman kasali dun sa mga unang nabanggit ko. Kasi andito ka, regular na umaattend sa worship service. Pero ang problema pa natin, kapag church ang pinag-uusapan, ang naiisip lang natin yung local church natin. Wala na tayong pakialam sa ibang churches, lalo na yung ibang denominations na iba ang katuruan at mga practices kung ikukumpara sa atin. At home tayo kasi dito. We forget we are part of a bigger family—a much bigger family. At kung aalalahanin natin ‘yan, marerealize natin na hindi lang pala “essential” ang church, “grand and glorious” din pala ang design ng Diyos sa church.
Kaya mahalaga itong pagpapatuloy ng pag-aaral natin sa Apostles’ Creed. Nandito na tayo sa ika-10 article ng Christian faith natin: “…the holy catholic church; the communion of saints.” Sa Latin, “sanctam ecclesiam catholicam; sanctorum communionem.” Hala, bakit may “catholic” dyan? Hindi tayo Katoliko sasabihin ng iba. Kaya hindi ginagamit ng ibang mga churches ang Apostles’ Creed dahil dyan. O kaya gagamitin nga, pero papalitan ng “Christian church.” Pero pag-uusapan natin mamaya ano ang ibig sabihin ng “catholic” dito. Hindi ‘yan Roman Catholic Church. Ibig sabihing, universal o pangkalahatan. Kaya sa Tagalog, “...sa banal na iglesiang pangkalahatan; sa kapulungan ng mga banal.” We will miss the essence of that word “catholic” kung tatanggalin o papalitan natin.
Mahalaga ang church. Napakahalaga ng church. Pero hindi ibig sabihin na sumasampalataya tayo sa church. The object of our faith is God—the Father, the Son and the Spirit: “I believe in God the Father…and in Jesus Christ…I believe in the Holy Spirit...” Kasi kung ang pananampalataya natin ay nasa church, madidismaya tayo. Kaya maraming Christians na-turned off na sa church. Nasaktan. Ayaw ng bumalik. Okay na lang na private Christian siya. That’s the problem of putting faith in the church. Imperfect ang church, messy ang church, makasalanan pa rin tayo, at may mga nakahalo sa church na hindi naman genuine ang conversion nila. But, in spite of that, ang itinuturo sa atin ng Creed ay panghawakan natin na mahalagang bahagi ng pananampalatayang Cristiano ang church. Anuman ang mga naexperience mo sa church in the past, hindi mo pwedeng sabihing naniniwala ka sa Diyos, naniniwala ka kay Cristo, that you believe the gospel, pero sinasabi mo namang hindi mahalaga ang church.

The Trinity and the Church

Hindi tayo magkakaroon ng biblical na pagkaunawa kung ano ang church kung hindi natin ito titingnan na nakakabit sa katuruan tungkol sa Trinity. Walang identity ang church apart from the Trinity. Biblical ecclesiology (doctrine of the church) must be Trinitarian. Makikita natin sa bungad pa lang ng sulat ni Paul sa Ephesians na ang salvation natin ay Trinitarian work: pinili ng Ama, tinubos ni Cristo, tinatakan ng Espiritu (Eph. 1:3-14). Iniligtas tayo ng hindi para mag-isa. Iniligtas tayo ng Diyos para makabahagi sa Trinitarian life—that we might have communion with God. Meron ding horizontal aspect ‘yan, hindi lang vertical. Para makabahagi rin tayo sa “communion of saints.” Kaya nga ginagamit ang images about the church na “family/household of God (the Father)”, “body of Christ,” saka “temple of the Spirit.” Bawat isang image na ‘to ay nakakabit sa Trinity. Kaya sinabi kong walang identity ang church apart from the Trinity.
Family of God. Bago pa likhain ng Diyos ang mundo, pinili na tayo ng Diyos na makaugnay kay Cristo. Itinuring tayong mga anak niya sa pamamagitan ni Cristo (Eph. 1:4-5). Bagamat makasalanan tayo at hiwalay sa Diyos, dahil sa ginawa ni Cristo ay naipagkasundo tayo sa Diyos, “kayo na dati'y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo” (Eph. 2:13 MBB). Through Christ, meron na tayong “access…to the Father” (v. 18). “You are fellow citizens with the saints and members of the household of God” (v. 19). Kung ikaw ay nakay Cristo, hindi ka lang isa sa mga anak ng Diyos, isa ka ring kapatid ng ibang mga anak ng Diyos. Meron ka ring kapatid. Bahagi ka ng napakalaking pamilyang ito ng Diyos. Hindi mo pwedeng sabihing okay lang na maging Cristiano na mag-isa. The church is God’s family.
Body of Christ. Tinubos tayo ni Cristo hindi lang para maghintay ng araw para mapunta tayo sa langit. Tinubos tayo para maging bahagi ng kanyang katawan, ang iglesya. The church is the body of Christ. Dahil si Cristo’y namatay para sa kanyang iglesya at muling nabuhay, umakyat sa langit at ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos, “far above all rule and authority and power and dominion, and above every name that is named, not only in this age but also in the one to come. And he put all things under his feet and gave him as head over all things to the church, which is his body, the fullness of him who fills all in all” (Eph 1:21-23). Na tayo ay kabilang sa katawan ni Cristo ay maituturing na isang “mystery” o “hiwaga.” Ang ibig sabihin, dati kasi akala ng Israel ay sila lang ang God’s people, at ang mga non-Jews or Gentiles ay hindi kasama sa plano ng Diyos. But this “mystery of Christ” (Eph. 3:4) is “that the Gentiles (kasali tayo dun!) are fellow heirs, members of the same body, and partakers of the promise in Christ Jesus through the gospel” (v. 6). Kung bahagi ka ng katawan ni Cristo, nakakabit ka kay Cristo, nakakabit ka rin sa ibang mga kapatid kay Cristo. Walang bahagi ng katawan ang magsu-survive na nakahiwalay sa iba pang bahagi ng katawan.
Temple of the Spirit. Narinig natin ang salita ng Diyos, the gospel message of salvation. Kumilos ang Espiritu sa puso natin, sumampalataya tayo kay Cristo, tinatakan tayo ng Espiritu, “sealed with the promised Holy Spirit” (Eph. 1:13). Yun ay marka na tayo’y pagmamay-ari ng Diyos for all eternity. He belongs to us, we belong to him. Totoo ngayong hindi natin pwedeng sabihin na itong “church building” natin ay ito ang church. Pero ang church ay inihahalintulad sa isang napakahalagang gusali. Hindi lang tayo “sambahayan ng Diyos” (Eph. 2:19). Tayo rin ay “bahay ng Diyos” o temple ng Diyos, “built on the foundation of the apostles and prophets, Christ Jesus himself being the cornerstone, in whom the whole structure, being joined together, grows into a holy temple in the Lord. In him you also are being built together into a dwelling place for God by the Spirit” (Eph 2:20-22). “Built together.” Magkakasama. Yes, tinukoy ni Pablo na ang katawan natin, individually as Christians, ay templo ng Espiritu dahil nananahan ang Espiritu sa atin (1 Cor. 6:19). Pero dapat din nating tingnan na ang buong church ay God’s temple: “Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu” (1 Cor. 3:16)?
Kung naninirahan ang Diyos sa church—and I’m not talking about our church building!—essential ang church dahil essential ang Diyos. Hindi lang basta essential ang church, it is also grand, glorious and majestic dahil nakakabit ang identity ng church sa Diyos—the triune God—who is grand, glorious and majestic. Think about that everytime you think about the church. Hindi mo pwedeng maliitin, balewalain, lapastanganin ang church. Dahil yan ay pagmamaliit, pagbabalewala, at paglapastangan sa Diyos na lumikha, tumubos, at nananahan sa church. And if you are in Christ, you are already a part of that, his church.

Four Marks (or Attributes) of the Church

Nakita natin kung paanong ang identity ng church ay nakakabit sa Trinity. Ngayon naman tingnan natin ang apat na marka o palatandaan, o attributes, ng church na nilikha ng Diyos at ang pagkakakilanlan nito ay nakakabit sa Trinity. Sa Apostles’ Creed ay “holy catholic church,” pero sa expanded form ng Nicene Creed, ganito ang nakasulat: “And I believe one holy catholic and apostolic Church.” Binanggit ni Albert Mohler ang kahalagahan ng apat na ito: one, holy, catholic, apostolic:
Four specific marks have been noted and cherished throughout the history of the church for the last twenty centuries. The church is identified as one, holy, universal (catholic), and apostolic. These identifying marks have been lost in contemporary ecclesiology and must be recaptured if the church is to again embody and live out its identity as the people of God. (The Apostles’ Creed, p. 156)
Wag muna natin isipin ang local church natin. Tingnan muna natin yung pangkalahatan, capital C, Church. At kapag makita natin yun nang malinaw, mas magiging meaningful yung pakikibahagi natin sa local church, as an expression of the Body of Christ. Isa-isahin natin itong four marks or attributes of the Church.
One. Meron lang iisang Church. Ha? Ang dami ngang mga churches, ang daming mga denominations, paano natin masasabing isa? Totoong marami tayong nakikitang evidences of disunity, divisions, conflicts, at separations. Yes, hangga’t maaari, we strive for unity dahil ito rin naman ang hangarin ni Cristo para sa kanyang katawan: “that they may be one even as we are one” (John 17:11, 22). Pero itong “oneness” ng church ay hindi lang isang ideal na pagsisikapan nating makamit. Ito ay already a reality. Kung paanong reality na merong isang Diyos sa tatlong persona sa Trinity, ganun din ang church dahil ang identity natin ay nakakabit sa Trinity. Pakinggan n’yo yung Trinitarian framework nung sinasabi ni Paul sa Ephesians 4:4-6 at kung paanong paulit-ulit niyang binanggit yung “one”: “There is one body and one Spirit—just as you were called to the one hope that belongs to your call—one Lord, one faith, one baptism, one God and Father of all, who is over all and through all and in all.”
Dahil meron lang isang tunay na Diyos, at meron lang isang gospel message, at lahat ng sumasampalataya kay Cristo ayon sa mabuting balitang ito ay kabilang sa iisang Iglesya. Yung tunay na Iglesya siyempre. Hindi lahat ng nagsasabi na Cristiano sila ay totoong Cristiano. Hindi lahat ng nagsasabing Christian church sila ay Christian church. Hindi ibig sabihin na tatanggapin na natin na kasama natin kahit sino na lang na magsabi na Christian sila. Tama lang na humiwalay tayo sa mga nagtuturo ng maling gospel. At sa mga nagsasabing Cristiano sila pero hindi naman nakikita sa pamumuhay nila. Hindi ito unity at all costs. Pinakamahalaga pa rin ang mabigyan ng karangalan ang Diyos at maitanghal ang tunay na gospel. Kaya mahalaga yung susunod na attribute:
Holy. Ang basic na kahulugan ng salitang ito ay “set apart.” Sa dinami-rami ng mga tao sa buong mundo, tayong mga nakay Cristo ay pinili ng Diyos para maging kanya. We are “a chosen race” (1 Pet. 2:9). Ang meaning ng root word ng church na ekklesia ay “called out ones.” Ang church ay isa. Ang church ay iba. Again, tulad ng nakita natin sa pagiging isa, totoo na may nakikita pa rin tayo sa church na pamamaraan at pamumuhay na katulad ng mundo. Parang hindi naman iba? Yes, dapat nating pakamithiin na mamuhay nang may kabanalan, para talikuran ang masamang pamumuhay, patayin ang dating pagkatao, at mamuhay ayon sa bagong pagkatao, “created after the likeness of God in true righteousness and holiness” (Eph. 4:34). Pero itong “holiness” na katangian ng church ay hindi lang ideal na dapat nating pakamithiin, ipagpray, at pagsumikapang maabot. This is already a reality. Dahil nga nakakabit ang identity natin sa Diyos na banal, at nasa atin ang Banal na Espiritu at tayo ay itinuturing na “a holy temple in the Lord…a dwelling place for God by the Spirit” (Eph. 2:21-22).
Bukod-tangi ang iglesya. Walang anumang grupo ng tao sa buong mundo ang katulad nito. Pero hindi ibig sabihin na exclusive tayo na ayaw na natin ang ibang tao na maging bahagi ng church. This is why we preach the gospel to unbelievers. Ang problema lang sa iba, they were trying to attract people by becoming like the world. Maaaring maganda ang intention ng iba na “seeker-sensitive,” pero tandaan natin na dapat tayong mamuhay ayon sa identity natin na nakakabit kay Cristo, at hindi nakakabit sa mundo. Our goal is not to be like the world, but to be a display of the gospel to the world, “so that through the church the manifold wisdom of God might now be made known to the rulers and authorities in the heavenly places” (Eph 3:10).
Catholic. Ang church ay isa, at nakita natin na ito rin ay iba. So, dapat tayong bumukod sa mga hindi nagtuturo at namumuhay ayon sa biblical gospel. At dapat rin naman tayong makiisa sa nagtuturo at namumuhay ayon sa biblical gospel. This is one of the implications na ang church ay “catholic.” Ibig sabihin niyan ay hindi “Roman Catholic Church,” although maaaring meron sa mga Catholics ang kasali sa totoong Church, if they are trusting in Christ alone for their salvation. At hindi rin ibig sabihn na lahat ng kasali sa church natin ay totoong kasali sa Church na ‘to, kasi baka meron sa inyo na sinasabi n’yong believer kayo, pero you are not really trusting in Christ alone for your salvation. Kaya nga napakahalaga na tanungin mo ang sarili mo kung kabilang ka ba sa “catholic church” o yung church sa pangkalahatan, hindi lang member ng isang local church. May katotohanan kasi yung sinasabi ng mga church fathers na “extra ecclesiam nulla salus”—“outside the Church there is no salvation” (Cyprian of Carthage, 3rd cent. AD). Kasi ang mga kabilang sa church ay yung mga kabilang kay Cristo. Kung hindi ka kabilang kay Cristo, hindi ka kabilang sa church.
So, “catholic” is a beautiful word. Isa sa attribute ng church. Nag-iindicate ito na hindi lang “isa” ang church na para bang maliit lang ang sakop. Pangkalahatan, malawak, merong beautiful diversity. Yes, meron pa ring mga disagreements, merong pagkakaiba sa ilang mga secondary doctrines at mga church practices. Pero wag nating isipin na taliwas ito sa pagiging “isa” ng church. Yan kasi ang batikos ng Roman Catholic Church sa mga Protestants. Sila daw yung “isa,” at tayo ay “marami” at “hati-hati.” Kaya mahalagang maunawaan natin na yung pagiging isa ay hindi ibig sabihing pare-parehas. Siyempre pagdating sa gospel, dapat one gospel lang. Kaya mahalaga yung confession of faith na nakapaloob dito sa Apostles’ Creed. Sabi ng church father na si Irenaeus, itong “catholic” ay “the church sown (hinasik) through the whole world even to the ends of the earth, both by the apostles and their disciples, received the faith, which is in one God, the Almighty Father, who made heaven and earth, and in one Jesus Christ, the Son of God, incarnated for our salvation, and in the Holy Spirit” (cited in Turretin, Institutes, 3:29).
Pero yung unity na yun ay hindi nangangahulugan na uniformity. Meron ding room for diversity. Theologically, merong iba’t ibang expressions ang body of Christ tulad ng mga Baptists, Congregationalists, Presbyterians, Reformed, Methodists, at Pentecostals. We may disagree sa ibang doctrines and practices nila, but we should also appreciate their unique contribution sa body of Christ, sa theological emphasis nila, at contribution nila sa missions. Hindi tayo magkakaaway, magkakapatid tayo sa Panginoon. We are all parts of one big family. Geographically and culturally, itong catholic church ay nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nakikinabang tayo sa fruit of theological labors ng mga Christian leaders sa US and Europe. Naiinspire tayo sa missionary zeal ng mga kapatid natin sa Korea. Naeencourage tayo sa perseverance in persecution ng mga kapatid natin sa China at Nepal. Sabi ni Michael Bird, “The mark of catholicity means recognizing that God is at work in other places, in other assemblies, drawing men and women to himself and drawing them together under the banner of Jesus Christ” (What Christians Ought to Believe).
Yung “catholic” ay meron ding historical aspect. Kasama dito ang lahat ng mga kabilang sa mga iniligtas ng Diyos. Mula sa Old Testament saints, pati early church, sa panahon ng mga church fathers, sa Middle Ages, sa panahon ng Reformation hanggang ngayon. Kaya mahalaga ang church tradition. Kaya binabanggit ko rin sa inyo yung mga sinabi ng mga church fathers tulad nila Augustine at Athanasius at ng mga Reformers tulad ni John Calvin at ng mga Puritans tulad nila John Owen. Kaya magbabasa rin kayo ng mga books ng mga “dead saints.” Bagamat patay na, nagsasalita pa rin sila. Kasama sila sa "large cloud of witnesses surrounding us” (Heb. 12:1 CSB) na tumutulong sa atin na magpatuloy sa pananampalataya at pagtingin kay Cristo hanggang wakas. And one day, the church catholic mula sa iba’t ibang lugar, kasama ang church triumphant na nauna na sa atin, at ang church militant na nakikipagdigma pa rin ngayon, magkakasama-sama tayong lahat na sasamba sa Diyos Ama, Anak at Espiritu—“a great multitude that no one could number, from every nation, from all tribes and peoples and languages”—haharap sa Diyos at aawit ng papuri, “Salvation belongs to our God who sits on the throne, and to the Lamb!” (Rev. 7:9-10).
Apostolic. One, holy, catholic, and apostolic church. Apostolic ang church kaya pinag-aaralan natin ang Apostles’ Creed na sumasalamin sa turo ng mga apostol tungkol kay Cristo at sa biblical gospel. Yun naman ang sukatan para masabi na ang isang church ay totoo o hindi. Nakakabit ba yan sa turo ng mga apostol tungkol kay Cristo? Kasi ang church ay “built on the foundation of the apostles and prophets, Christ Jesus himself being the cornerstone” (Eph. 2:20). Nakasalalay dito yung authority ng church, sa tamang confession about Christ, yung apostolic confession. Kaya bago binanggit yung “keys of the kingdom” sa Matthew 16:19, at pagkatapos sabihin ni Peter, representing all the apostles and all the disciples after them, “You are the Christ, the Son o of the living God” (v. 16), sinabi naman ni Cristo, “And I tell you, you are Peter, and on this rock I will build my church, and the gates of hell shall not prevail against it” (v. 18). Dahil ang mga turo ng apostol ay foundational sa church, yung early church “they devoted themselves to the apostles’ teaching” (Acts 2:42). We should do the same. Wag na tayong magtangkang magpaka-innovative, at mag-imbento ng kung anu-anong pakulo sa church. Wala nang ibang pundasyon maliban kay Cristo na siyang itinuturo ng salita ng Diyos (1 Cor. 3:11). Si Cristo at ang kanyang salita ang tanging “solid rock” na tinatayuan ng church, “all other ground is sinking sand.”
So heto yung four marks or attributes ng church ayon sa Nicene Creed—one, holy, catholic, and apostolic. Ang church ay isa, iba at namumukod-tangi, sa lahat ng dako, sa lahat ng panahon, nakatayo kay Cristo at sa kanyang salita. Hindi magigiba ng pandemya, ng pag-uusig, ng kamatayan, at ng gawa ng Diyablo.

The Communion of Saints

Kung wala nang institusyon, o organisasyon, o grupo sa buong mundo na katulad ng church—hindi ang anumang kumpanya, o rotary club, o political party, o NGO, o social media group, o hobby club—bakit hindi ka makikibahagi sa isang biblical na local church? Kung ikaw ay nakay Cristo, you are already in communion with God, you are part of his family. Bahagi ka na ng catholic church. Ang tanong ngayon, naniniwala ka ba na mahalagang makibahagi ka? ‘Yan ang significance ng line sa creed na “the communion of saints.” Meron tayong common union sa ibang mga Cristiano. Koinonia o fellowship o partnership. Hindi ito yung nagkape lang kayo fellowship na. Ito yung reality na we share a common life in Christ with every member of the body. Sa Ephesians 2:13, meron na tayong communion with the Trinity. Dahil dun, meron na rin tayong communion with one another sa church. Hindi na hadlang ang lahi kung Judio o Hentil: “one new man,” “one body,” “fellow citizens with the saints and members of the household of God” (Eph. 2:14-19). Isang pamilya. Isang katawan. Isang templo.
Hindi mo dapat hanapin yung church na ang mga tao ay parehong-pareho mo. O sasamahan mo lang at mamahalin yung mga gusto mo. Basahin n’yo yung chapter 7 sa Balik Tayo sa Church, “Paano ko mamahalin ang mga members na ibang-iba sa akin?” Hindi puro lalaki lang, hindi puro babae lang. Hindi puro kabataan lang, hindi puro matatanda lang. Hindi puro mayayaman lang, hindi puro mga estudyante lang. Hindi puro para kay Bongbong lang, hindi puro para kay Leni lang. Magkakaiba tayo. Pero nagmamahalan tayo dahil ang nagbubuklod sa atin—si Cristo—ay higit na mahalaga kaysa sa mga pinagkaiba natin sa iba.
Napakarami pang dapat pag-usapan about the church. Kulang ang oras natin. Basahin n’yo yung book. Pag-aralan natin sa small groups. Mas maiintindihan natin na kung ganito pala ka-essential ang church, ganun pala kahalaga na nakikibahagi ka sa church. Mas maiintindihan mo—at prayer ko na mas maintindihan mo—na kaya pala may church membership ay dahil gusto nating matiyak na meron tayong isang pananampalataya. Kaya pala may church discipline kasi the church is holy. Kaya pala nakikipagpartner tayo at tumutulong sa ibang churches kasi the church is one, the church is catholic. Kaya pala sinisikap nating maituro nang maayos ang buong Bibliya kasi the church is apostolic. Kaya pala meron lang tayong isang worship service kada Lord’s Day (walang youth service, halimbawa) dahil ang church ay isang pamilya. Kaya pala yung mga elders nakikipag-one on one interview sa mga members, kaya pala hinihikayat na makibahagi ang lahat, kaya pala mahalagang magbigay ng offerings faithfully, kasi bahagi tayong lahat ng “work of the ministry, for building up the body of Christ” (Eph. 4:12).
Related Media
See more
Related Sermons
See more